NEW DELHI, India -- 10 bagong kaso ng Omicron variant ang naitala sa kabisera ng India nitong Biyernes, sanhi upang umabot sa 98 ang kabuuang bilang nito.

“Ten new cases of Omicron variant reported in Delhi, taking the total number of cases of the new variant here to 20,” ayon sa local health minister na si Satyendar Jain.

Ayon kay Karnataka health Minister K Sudhakar, limang bagong kaso ng Omicron ang na-detect sa estado noong Huwebes ng gabi, kaya't umabot sa walo ang kaso ng Omicron. 

“Five more cases of Omicron have been detected in Karnataka, a 19-year-old male returning from Britain, 36-year-old male returning from Delhi, 70 year female returning from Delhi, 52 year male returning from Nigeria, 33-year male returning from South Africa,” ani Sudhakar sa social media.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Sa huling datos, nakapagtalaang Maharashtra ng 32 Omicron cases, kasunod nito ang Delhi na mayroong 20 na kaso, 17 na kaso sa Rajasthan, walo sa Karnataka at pito naman sa Telangana.

Iniulat ng health ministry ng India sa naturang kaso ng Omicron variant, walang pasyente ang nakararanas ng severe symptoms.

Xinhua