Kinumpirma ng Pilipinas ang 582 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong Biyernes, Disyembre 17.
Umabot na sa 2,837,464 ang kabuuang bilang ng impeksyon sa bansa.
Sa naturang bilang, 10,167 ang aktibong kaso ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, 4,015 ang nakararanas ng mild symptoms, 3,415 ang moderate condition, 1,815 ang severe, 539 ang asymptomatic, at 383 ang kritikal.
Nakapagtala rin ng 494 new recoveries sanhi upang umabot sa 2,776,727 ang kabuuang bilang ng mga gumaling.
Samantala, 74 naman ang bagong naitalang namatay at umabot na sa 50,570 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa sakit.
Analou de Vera