Nakapagbigay na ng mahigit 100 milyong dosis ng COVID-19 vaccines ang gobyerno ng Pilipinas mula nang ilunsad nito vaccination program laban sa nasabing sakit noong Marso.

Base sa National Vaccination Dashboard, 100,019,138 dosis ng bakuna ang naipamahagi na sa bansa.

“The Philippines has reached the 100 million mark!” sabi ng DOH s aisang advisory.

“This is the total number of jabs administered since the country started its vaccination campaign in March 2021,” dagdag ng ahensya.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Ipinapakita ng datos na 55,975,001 katao ang nakatanggap na ng kanilang unang round ng bakuna sa ngayon, 43,029,348 ang ganap na bakunado habang 1,014,789 indibidwal ang nakakuha ng kanilang mga booster shot.

Noong unang bahagi ng buwan, nagpahayag ng pag-asa si Health Secretary Francisco Duque III na maaabot ng gobyerno ang target nitong 54 milyong Pilipinong ganap na bakunado sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Ikalawang yugto ng national vaccination drive

Samantala, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na may kabuuang 1.7 milyong vaccine doses ang naibigay sa pagsasagawa ng ikalawang pambansang kampanya sa pagbabakuna noong Dis. 16.

Hinikayat ni Cabotaje ang mga eligible na mga indibidwal na makiisa sa kampanyang ito upang protektahan ang kanilang sarili laban sa COVID-19.

“We encourage the public, especially the elderly and the immunocompromised to get their COVID-19 vaccine primary series as soon as possible and booster once eligible,” sabi ng opisyal.

“Let’s give the free gift of safer holidays, safer resumption of classes and safer work to every Filipino family. Get vaccinated during the National Vaccination Day—Dec. 15 to 17 and Dec. 20 to 22 with whole families, especially our grandparents and those with comorbidities,”dagdag niya.

Analou de Vera