Isinampa ng Public Attorney's Office (PAO) ang pito pang kasong sibil laban sa mga opisyal ng gobyerno dahil sa pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia vaccine na panlaban sa dengue.

Ang PAO ay kumakatawan sa mga pamilya ng mga batang naturukan ng Dengvaxia na kalaunan ay binawian ng buhay dahil umano sa bakuna.

Ipinaliwanag ng PAO na sa ngayon ay aabot na sa 75 na civil cases ang naisampa sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng usapin.

Sa pitong karagdagang kaso, apat ang naiharap sa korte nitong Disyembre 15 habang ang tatlo pa ay naisampa nitong Disyembre 16.

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao de Oro

Dahil dito, hiniling ng PAO sa hukuman na i-consolidate na lamang ang mga kasong sibil sa naturang korte.

Bukod dito, aabot pa sa 157 kasong kriminal ang naiharap ng PAO sa hukuman laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sinasabing nasa likod ng pagbabakuna kontra dengue ilang taon na ang nakararaan.

Jeffrey Damicog