Lumambot ang puso ng netizens matapos makita ang mga payak na kahilingan ng mga "persons deprived of liberty" o bilanggo sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Naic, Cavite.

Sa Facebook post ni Bryan Villaester, jail officer, ipinakita nito sa publiko ang mga mumunting kahilingan ng mga bilanggo para sa darating na Pasko.

"These are some of the wishes ng ating mga kapatid sa bilangguan. Feel free to grant them. Share your blessings in this seasons of giving."

Ilan sa mga kahilingan nila ay tsinelas, isang box ng donut, kagamitang pang-personal hygiene, yoga mat, massage kit, lechong manok, underwear, at eyeglass.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Mayroon naman ibang humiling para sa kani-kanilang pamilya.

Nariyan ang humiling ng bagong cellphone para sa anak nito. Ang isa naman ay humiling ng grocery para sa kanilang pamilya.

Ang iba naman ay hindi na humingi ng materyal na bagay.

"... wala po akong hinihiling po, sapat na po ang kasiyahan at kaligtasan naming mga PDL's. Salamat po. Merry Christmas."

Mayroon ring nagpahayag ng pagtulong sa comment section ng post ni Villaester, na mayroon nang 6K likes.