Kinalampag ng grupong Private Hospital Workers Alliance of the Philippines (PHWAP) ang tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Maynila upang hilingin ang agarang pagpapalabas ng benepisyo ng mga ito sa ilalim ng Bayanihan 2.
Umapela ang grupo ni Jess Obien, pangulo ng Chinese General Hospital Employees' Union, kay DOH Secretary Francisco Duque na mabigyan ng kasugatan ang kanilang kahilingan alang-ala sa diwa ng Kapaskuhan.
Humihingi rin ang PHWAP ng diyalogo kay Duque upang iparating sa kalihim ang tunay na kalagayan ng mga manggagawang pangkalusugan, lalo na sa mga pribadong pagamutan.
“Huwag sana kaming magmukhang mga inaanak na pagtataguan ng aming mga ninong at ninong dito sa DOH. Harapin, kausapin, pakinggan kami at ibigay sa amin bilang aginaldo ang matagal na naming kahilingan,” ayon naman kay Jao Clumia ng St. Luke’s Medical Center.
Bella Gamotea