Itinanggi ng Malacañang ang pahayag ni Senador Ping Lacson na isang “inter-agency conspiracy” ang nagpadali sa pagpupuslit ng mga gulay mula sa China patungong Pilipinas, partikular sa probinsya ng Benguet.

“Wala pong inter-agency conspiracy na nangyayari,” sabi ni Cabinet Secretary and Acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa naganap na virtual press briefing nitong Dis. 14.

Ito ang reaksyon ni Nograles sa naganap na pagdinig sa Senado kung saan tinalakay ang mga reklamo ng mga magsasaka sa Benguet ang ilegal na pagpasok ng mga gulay mula sa China. Ang smuggling ng mga dayuhang ani ay nakaaapekto sa kita ng mga magsasaka sa lalawigan na kilala bilang “salad bowl ng Pilipinas.

Makapagbibigay umano ng kasagutan ang Department of Agroculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) kay Lacson nang tanungin kung paano nakapasok ang mga ilegal na produkto sa bansa. Ito ang nagbunsod sa presidential aspirant na sabihing kasabwat ang DA at BOC sa mga ilegal na aktibidad.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Diskumpiyado si Nograles sa paratang at sinabing, “the Bureau of Customs and the Department of Agriculture are working together para ma-curb po itong mga smuggling ng gulay at smuggling per se.”

Sa kabila nito, sinabi ng Cabinet Secretary na ang kooperasyon mula sa publiko pagdating sa pagbibigay ng tips sa mga awtoridad kaugnay ng smuggling ay nananatiling mahalaga, Aniya, maaaring maabot ng mga tipster ang gobyerno sa pamamagitan ng Hotline 8888.

“The hotline is there for purposes of people to report immediately to us kung mayroon ba kayong nalalaman, kabilang na rin po diyan iyong sa smuggling,” sabi ni Nograles.

“So, we continue to crackdown on illegal smuggling. We continue to crack down siyempre doon sa smuggling ng mga gulay dahil alam naman po namin na ang tatamaan talaga dito ay ang ating mga magsasaka at mga mangingisda,” paliwanag ng opisyal.

Ellson Quismorio