Kasunod ng pagkakaroon ng Instagram accounts ng pitong miyembro ng South Korean boy band na BTS, oras lang ang naging pagitan para sundan sila ng milyon-milyong fans.

Record-breaking ang pagbuhos ng suporta ng BTS Army, ang fandom ng Kpop powerhouse, isang araw lang matapos magbukas ng Instagram accounts ang pitong miyembro nito.

Mabilis na naaabot ng pitong miyembro ang 1 million, 5 million, 10 million at 20 million followers mark sa Instagram sa loob lang ng isang araw.

Sa katunayan, dalawang Guinness World Records lang naman ang nasungkit ng miyembro nitong si Kim Taehyung o mas kilala bilang si “V”.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nabasag ni V ang dating rekord ni Taeil ng NCT bilang pinakamabilis na Instagram account na nagkaroon ng 1 milyong followers sa loob lang ng 43 minuto.

Si V rin ang may hawak ng rekord sa loob ng 4 na oras at 53 minuto bilang pinakamabilis na nagkaroon ng 10 million followers sa Instagram.

Kasalukuyang 25.7 million ang sumusubaybay sa Instagram account ng BTS member.

Dahil sa kasikatan ng BTS, hindi na naging kataka-takang dudumugin ng fans ang kanilang official social media accounts.

Sa kanilang kamakailang pagbisita sa Amerika, ang BTS lang ang tanging grupo na naglunsad ng apat na sold-out concerts sa SoFi Stadium sa Los Angeles.