Kabadong-kabado man ay nairaos ng mga natitirang housemates ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 celebrity edition ang kauna-unahang 'harapang nominasyon' kung saan antimano nilang bibigyan ng 2 points at 1 point ang housemate na nais nilang bigyan nito, at sasabihin ang rason kung bakit sila ang napiling bigyan ng puntos.

Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother

Unang sumabak sa pagbibigay ng puntos at direktang komento si Alexa Ilacad kung saan binigyan niya ng 2 puntos si Jordan Andrews dahil hindi pa raw niya ito nakikilala nang lubusan at hindi pa siya sigurado sa tunay na ipinakikita nito, habang si Brenda naman ang binigyan niya ng 1 puntos dahil nalaman umano niya na siya ang laging paksa sa mga usapan nila ng ibang housemates, at natatawag na umano siyang tanga at desperada.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Hanggang sa sunod-sunod na tinawag ni Kuya ang mga housemate. Sa pagtatapos ng nominasyon, ang anim na mga nominado ay sina Alexa Ilacad, Eian Rances, KD Estrada, Jordan Andrews, Anji Salvacion, at Brenda Mage.

Alexa Ilacad, Brenda Mage, KD estrada, Eian Rances, Anji Salvacion, at Jordan Andrews (Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother)

Hindi ginamit ni Alexa ang kaniyang power na 'auto-nomination' at para sa kaniya, burden daw ito. Si Madam Inutz naman ay ginamit na ang immunity pass kaya hindi siya maaaring i-nominate.

Sa darating na 7th eviction night, dalawa sa mga nominadong housemates ay tuluyan nang lalabas ng Bahay ni Kuya.