Inilarawan ni Senator Nancy Binay na pambabastos sa mga bayani ang ginawang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagpalitng disenyo ng₱1,000bill.
Iginiit pa ni Binay, dapat may pakialam ang dalawang kapulungan sapagpalit nito, katulad ng mandato na may pakiaam sila sa pagpalit ngpangalan ng kalsada, at mga public schools.
Aniya, maari rin na idaan ito sa National Historical Commission of thePhilippines, lalo pa't sina Josefa Llanes Escoda,Gen. Vicente Lim at Jose Abad Santos, mga bayani noong ikalawangdigmaan at papalitan naman ng isang Agila o Philippine eagle.
Sinabi pa nito na hindi lamang tinanggal ang mga bayani, bagkus maspinaboran pa ang hayop at halaman.
Leonel Abasola