Hindi lingid sa mundo ng beauty pageant na sinusubaybayan sa social media ang mga beauty queen lalo na ang Miss Universe titlehodlers.

Ilang oras lang matapos koronahang Miss Universe 2021 ang pambato ng India na si Harnaaz Kaur Sandhu, dinumog na agad ng fans ang kanyang Instagram account.

Anim na araw bago ang coronation, ipinagdiwang pa ng beauty queen ang kanyang 100,000 followers sa naturang social media site.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Screengrab mula sa Instagram account ni Miss Universe 2021 Harnaaz Kaur Sandhu

Ilang oras bago magsimula ang kompetisyon, namataang nasa 140,000 Instagram followers na ang hinakot ni Harnaaz.

Matapos itanghal na pinakabagong Miss Universe, tumabo na agad sa 850,000 ang followers ng titleholder at mabilis itong nadadagdagan sa paglipas ng oras.

Kamakailan, si Miss Universe 2015 Pia Qurtzbach ang itinanghal na most-followed Miss Universe titleholder na sa kasalukuyan ay mayroong 13.2-M followers sa Instagram.