Tatlong araw matapos ilabas ang kantang “Someone To Love Me” na sinulat ng award-winning Filipino-American music producer na si Troy Laureta at inawit ng tinaguriang “Fearless Diva” na si Jona, umabot ito sa top spot ng isang music chart nitong Lunes, Dis. 13.

Nagpasalamat naman si Jona sa kanyang mga fans sa tagumpay ng kanta.

?....... Someone To Love Me is no.1 on ITunes Philippines right now..THANK U guys for making this happen???,” ani Jona sa isang Facebook post nitong hapon ng Lunes.

Binati rin ng Kapamilya singer ang reative team na binubuo ni Troy Laureta, Jake Zyrus at Cheesa sa naging tagumpay ng kanta.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Inabangan ng fans ni Jona ang nasabing proyekto bilang itinuring din itong comeback project ni Jona matapos ang ilang buwang pamamahinga sa telebisyon.

Basahin: Comeback project ni Jona sa pinakabagong album ni Troy Laureta, inabangan ng fans – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, ibinunyag ni Jona sa isang panayam kamakailan ang napipinto niyang pagbabalik sa spotlight matapos ma-inspire at maging bahagi ng “Giliw: A Troy Laureta OPM Collecetive Volume 2.”

Muli na kayang mapapanuod sa sikat na musical variety show “ASAP Natin ‘To” si Jona?

Ayan ang dapat abangan ng kanyang fans!