prubado na sa Senado ang P1,000 buwanang subsidiya sa mga solo parent at inaasahang maging ganap na itong batas dahil matagal na itong nakapasa sa mababang kapulungan.

Bukod sa nabanggit na subsidiya, awtomatiko rin na kasapi ng PhilHealth ang mga ito alinsunod na rin sa Expanded Solo Parents Welfare Act.

“Bilang solo parent, hindi matatawaran ang saya ko. Siyempre, tagumpay din ito ng kapwa ko solo parents na walang humpay ang pagpursiging mapabuti ang kalagayan ng aming mga anak,” ani Senator Risa Hontiveros, pangunahing may akda ng batas. 

Leonel Abasola

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol