May 23, 2026

Home BALITA National

'Pagiging SP, pinaka-unstable na trabaho sa buong mundo'—Sen. Ping

'Pagiging SP, pinaka-unstable na trabaho sa buong mundo'—Sen. Ping
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Nakikita ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang puwesto ng Senate President sa Republika ng Pilipinas bilang pinakamaikling trabaho sa buong mundo. 

Ayon sa naging pahayag ni Lacson sa panayam sa kaniya ng isang radio station nitong Sabado, Mayo 23, 2026, sinabi niyang tuloy-tuloy raw ang amba ng kudeta sa Senado.

“On going ‘yan. If there’s one of, ‘yong most unstable job in the whole world, siguro ‘yon ‘yong Senate President of the Republic of the Philippines,” pagsisimula niya. 

Ani Lacson, hindi raw kasi tumatagal sa loob ng isang taon o ilang buwan ang pananatili ng karamihan ng Senate President sa Senado ng Pilipinas. 

“Kasi ‘yong iba, hindi tumatagal ng isang taon, ‘yong iba, ilang buwan lamang. ‘Yan na siguro ‘yong pinaka-unstable na trabaho sa buong mundo,” aniya. 

National

'May kakayahan, matatag, patas!' SB-11, buo suporta kay Sen. Gatchalian—Sen. Pangilinan

Pagpapatuloy ni Lacson, “precarious” o mapanganib daw ang lagay ng numero sa dalawang bloc ng minority at majority na 11-12 kung hindi na isasama sa bilang ang boto ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na siyang tinutugis ng mga awtoridad dahil sa inisyung arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban dito. 

“Yes. Not counting Sen. Ronald dela Rosa, talagang 12-11… Napaka-precarious ‘yong 12 against 11. Even if hindi maging 13 ‘yong minority, isa lang ‘yong lumipat so magiging 12-11 in favor of the minority bloc,” saad niya. 

“Kapag ganoon ang situation, while the Senate President remains to be the presiding officer ng Senate, ‘yong sa floor, ‘yong majority, magsi-sit ‘yong balance. Ibig sabihin, lahat ng chairmanship ng mga komite, masusunod ‘yong minority or majority pero hindi sa kanila ‘yong Senate President,” paliwanag pa ni Lacson. 

Kaugnay nito, naglabas na rin ng pahayag si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa kaniyang Facebook post nito ring Sabado tungkol sa buong pagsuporta ng “SB-11” o Solid Bloc 11 na binubuo ng mga miyembro ng minorya para kay Sen. Sherwin “Win” Gatchalian. 

Idadag pa ang nauna na ring pahayag ni Gatchalian noong Biyernes, Mayo 22, tungkol sa kaniyang kahandaan sakali mang iluklok ng grupo nilang SB-11 bilang kasunod na Senate President.

Nakatakda namang muling magsagawa ng sesyon ang Senado sa darating Lunes, Mayo 25, 2026.

KAUGNAY NA BALITA: 'May kakayahan, matatag, patas!' SB-11, buo suporta kay Sen. Gatchalian—Sen. Pangilinan

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Gatchalian, 'handa' maging Senate president