Sampung beses na dumami ang Youtube subscribers ng human rights lawyer at senatorial aspirant na si Chel Diokno dalawang araw matapos manawagan ito sa kanyang social media.

Unang nagsimula sa Twitter ang inisyatibang mapataas ang Youtube subscribers ni Diokno nitong Biyernes, Dis. 10.

“I have seen the call on Twitter para mag-subscribe sa aking YouTube channel. Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa inyo sa agarang pag-aksyon! Mula 19,000+ ngayong umaga, 44,000+ na ang ating followers as of this posting,” ani Diokno sa kanyang Facebook post noong Biyernes.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

&t=4s

“Mag-iisue raw ang COMELEC ng new rules disallowing non-verified accounts to promote political posts. Hindi pa verified ang ating YouTube channel. Kinakailangang umabot sa 100,000 subscribers para ma-verify. Kaya, I am asking for your help to reach that goal!” dagdag ng senatorial aspirant.

Agad namang tumugon ang tagasuporta ni Diokno kung saan sampung beses ang paglago ng subscribers nito sa video streaming site na Youtube na kalauna’y na-verify din.

“Magandang hapon! Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng nag-subscribe sa ating YouTube channel. We exceeded our goal and are now at 172,000 subscribers. Finally, mayroon na tayong verified check mark! I am overwhelmed by your support!” ani Diokno nitong Sabado, Dis. 11.

Sa pag-uulat, nasa 192,000 na ang subscribers ni Diokno sa nasabing social media platform.

Makikita sa Youtube ng senatorial candidate ang ilangpublicly available legal advice sa iba’t ibang kaso.