Inilagay na sa red list ng Pilipinas ang Portugal matapos lumaganap sa nasabing bansa ang Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang kinumpirma niacting presidential spokesperson Karlo Nograles at sinabing batay ito sa Resolution 153 ngInter-Agency Task Force (IATF).

Ang kautusan ay ipatutupad pa sa Disyembre 15.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa kabila nito, tatanggap pa rin ang bansa ng mga biyahero mula sa nasabing bansa bago sumapit ang nasabing petsa sa kondisyong sumunod ang mga ito sa quarantine protocols.

Aniya, kailangang magharap ng dokumento ang mga ito na nagsasabing negatibo sila sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test na kinuha sa loob ng 72 oras bago ang kanilang pagpasok sa Pilipinas.

Sa oras na magnegatibo sa nasabing pagsusuri, sasailalim pa ang mga ito sa 14-day quarantine. 

Beth Camia