Matapos ang paghahari ng Pinoy pop (P-pop) band SB19 sa Billboard’s Hot Trending Songs Chart, umagaw din sa atensyon ng International Broadway Diva at Pinoy pride na si Lea Salonga ang kantang “Bazinga.”

Matapos ang dalawang linggong pamamayagpag ng kantang “Butter” ng South Korean boy group na BTS, naagawa ng SB19 sa kantang “Bazinga” ang leaderboard sa pinakabagong billboard chart kamakailan.

Dahil ditto, maging ang sikat na broadway singer at actress na si Leo Salonga ay hindi napigilang maging proud sa Pinoy band.

Sa kanyang tweet nitong gabi ng Huwebes, Dis. 9, inihayag ni Lea ang kanyang saloobin sa kantang “Bazinga” ng SB19.

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

“Shucks, ganda nito a!!!” ani Lea.

Binati rin ng broadway superstar ang SB19 sa kamakailang record nito.

Screengrab mula sa Twitter

“Congratulations @SB19Official for landing on @billboard’s Hot Trending chart!!!” sabi nito habang nakapaskil din ang link ng official music video ng Bazinga.

Ang SB19 ang kauna-unahang umagaw sa trono ng BTS sa naturang chart.