Walang pangmatagalang kapayaan kung walang hustisya at walang katotohanan, ani Senator Risa Hontiveros nitong Biyernes, Dis. 10.

Ito ang pahayag ni Hontiveros sa araw ng paggawad kay Rappler Chief-Executuce-Officer (CEO) bilang 2021 Nobel Peace Prize winner, “I call on Filipinos to renew our own commitment to safeguard freedom of expression, which is a precondition for democracy.”

“Her win is a milestone, not just for the Philippines, but for all freedom-loving nations whose “fourth estate” are also under attack,” sabi niya.

Inalala ng senador na sa paglipas ng taon, ang demokrasya sa bansa ay tinamaan ng mga kakila-kilabot na dagok: ang pagpapakulong sa mga krititko, pagpatay sa mga inosente, rebisyon ng kasaysayan, pagsasawalang-bahala sa karapatang pantao at pandarambong sa yaman ng bansa.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“It will now take the commitment of a whole nation to flush out those who have harmed us and our future,’’ sabi niya.

‘’My fervent hope is that Maria’s award will push many more Filipinos to finally take a stand on the right side of history,’’ pagpupunto niya.

‘’So, let us not be afraid. Like Maria, we should keep our #CourageON,’’ dagdag niya.

Sinabi ni Hontiveros na para sa kapakanan ng lahat ng mga Pilipinong nakipagsapalaran o nagbuwis ng buhay upang mapanatiling buhay ang demokrasya ng Pilipinas, “kinakailangan nating ipagpatuloy ang paninindigan sa katotohanan anuman ang mangyari.”

Mario Casayuran