Inihirit ng isang grupo sa Comimission on Elections (Comelec) na ipagpaliban ang 2022 national elections dulot ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa pahayag ng grupong Coalition for Life and Democracy (NCLD) nitong Biyernes, Disyembre 10, nalalagay sa matinding panganib ang mahihirap dahil sa paglabag ng mga kandidato sa health and safety protocols matapos makita ang mga ito sa ilang social gatherings at iba pang kahalintulad na pagtitipon.
“Based on the prevailing circumstances, there subsists [a] compelling necessity for the state to postpone the elections.Experience in recent months and the present situation demands continuing observance of health protocols particularly prohibition on social gatherings and overcrowding,” ayon sa grupo.
Iginiit ng grupo na dapat na iurongmuna ang idaraos na halalan, lalo pa't may banta pa ng Omicron variant ng COVID-19.
Ipinaliwanag ng grupo na nagpadala na sila ng kahilingan, gayunman, wala pang naihahainna panukala ang mga kongresista kaugnay ng usapin.