Nilinaw ng Department of Health (DOH) na sa 176 COVID-19 deaths na iniulat nitong Huwebes ng hapon, Disyembre 9, ay walo lamang o 5% ang binawian ng buhay ngayong Disyembre.

Sa case bulletin #635 ng DOH, aabot na sa kabuuang 49,936 ang COVID-19 deaths sa Pilipinas.

Pagdidiin ng DOH, walo lamang sa mga ito ang naganap ng Disyembre 2021 habang ang iba pa ay binawian ng buhay noon pang mga nakalipas na buwan at hindi lamang kaagad na naiulat sa kanilang tanggapan.

Anang DOH, 12 o 7% sa mga naturang COVID-19 deaths ay naganap noon pang Nobyembre 2021; 60 o 34% naman noong Oktubre 2021; 68 o 39% noong Setyembre 2021 (39%); at walo naman o 5% noong Agosto 2021.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

May anim din o 3% na nasawi noong Hulyo 2021; dalawa o 1% noong Hunyo 2021; isa o 1% noong Mayo 2021; apat o 2% noong Abril,2021; at isa o 1% noong Marso 2021.

Mary Ann Santiago