Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) ang mga botante na huwag iboto ang mula sa iisang angkan.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs at lead convenor ng “One Godly vote," bukod sa pagsusuri sa karakter, karanasan at track record ng isang kandidato, ay mahalaga ring hindi sila nagmumula sa isang pamilya lamang.

“Let’s face it, politics here in the Philippines is a business enterprise. To be practical about it, ibigay naman natin sa iba. In my own assessment of things, ang sabi ko nga redistribute power, position, wealth and influence. And how will you do that, do not elect siblings, do not elect father and daughter, do not elect mother and son,” pahayag pa ni Secillano.

Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang simbahan sa ‘political dynasty’ na taliwas sa pagsusulong ng tamang pamamahala na nagpapahina sa ‘check and balance system’ ng pamahalaan.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

“Ako ang kampanya ko, kapag nakikita mo na halos iisang pamilya na lang, redistribute power. Hindi mo pwedeng i-concentrate lang ang power sa isa, dalawa o tatlong pamilya. Bigyan natin ng pagkakataon ay iyong ibang mga Filipino na may kakayahan. And we do that this coming election,” aniya pa.

Nanawagan din naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mga botante na alamin ang plataporma at programa ng mga ibobotong kandidato sa darating na Mayo 2022.

Mary Ann Santiago