Nasa 21 na lamang na aktibong kaso o nagpapagaling sa sakit dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Las Piñas City.

Sa datos ng Las Piñas City Health Office (LPCHO) nitong Disyembre 8, umabot na sa kabuuang 29,650 ang kumpirmadong kaso na nahawa sa COVID-19, 28,924 rito ang gumaling na at 705 naman ang naitalang namatay.

May anim namang naitalang karagdagang nahawa sa virus mula sa Barangay Daniel Fajardo, Zapote, Almanza Uno, Almanza Dos, Pilar at Talon Singko.

Siyam na lugar sa 20 barangay sa lungsod ang wala ng kaso ng virus.

National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

Gayunman, pinapaalalahanan ng city government ang mamamayan nito na mag-ingat sa lahat ng oras at sumunod sa health at safety protocols para makaiwas sa mga sakit.

Bella Gamotea