Arestado ng pinagsanib na grupo ng law enforcement agencies ang isang babaeng hinihinalang tulak ng droga kung saan P8.5 milyong halaga ng party drugs ang nakumpiska mula rito nitong Martes, Dis. 7 sa Las Piñas City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ana Fe Morilla, alyas Jonah Ileva at residente ng Guava St., CAA Phase II, Las Piñas City. Nakakulong si Morilla ngayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) custodial facility at sinampahan ng kasong illegal possession of drugs.

Sinabi ni Southern Police District Director, Brig. Gen. Jimili Macaraeg na naaresto ang suspek dakong 4:25 p.m. sa kahabaan ng Manila Doctors Village, Almanza Uno, Las Piñas City.

Aniya pa, nakipag-ugnayan ang mga miyembro ng PDEA sa SPD-District Drug Enforcement Unit at Las Piñas City Police para madakip ang suspek.

National

Asawa ni Harry Roque, pinaaaresto na rin ng Kamara

Inaresto si Morilla matapos matanggap ang package mula sa isang ahente ng PDEA na nagpanggap na delivery courier, dagdag niya.

Sinabi ng direktor ng SPD na ang pinagsanib na grupo ng law enforcement agencies ay agad na inaresto ang suspek matapos lagdaan ang delivery box gamit ang pangalang Jonah Ileve nang ibigay ito sa kanya.

Naglalaman ng 4,970 piraso ng ecstacy na nagkakahalaga ng P8.5 milyon ang naturang kahon.

Jean Fernando