Isang empleyado ng Department of Doreign Affairs (DFA) ang inaresto ng pulisya sa isinagawang dug buy-bust operation sa Taguig nitong Martes, Dis. 7.

Nagsagawa ng sting operation ang Drug Enforcement Unit ng Taguig police sa Sta. Teresa Compound sa North Daang Hari, Taguig dakong 10:30 p.m.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Dennis Pecson, 61, kawani ng Department of Foreign Affairs (DFA) at residente ng Marimar Villagee 1, Paranaque, ayon sa inilabas na pahayag ng Southern Police District (SPD) Public Information Office.

Ayon kay Taguig police chief Col. Celse Rodriguez, si Pecson ay isang utility worker sa DFA.

National

Castro sa pag-acquit kina Enrile sa plunder: ‘Sino mananagot sa nawalang pondo ng bayan?’

Narekober mula sa suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hininahalang shabu at may bigat na 7.4 gramo o may katumbas na halagang P50,320 at P200 na buy-bust money, ayon sa pulisya.

Sa parehong lungsod noong Dis. 7, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga elemento ng SPD DEU na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na sina Joshua Guevarra, 23, at Joanne Guevarra, 29, kapwa residente ng Taguig; at Paolo Pascual, 30, residente ng Pateros.

Narekober sa kanila ang limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit-kumulang 10.5 gramo na may halagang P71,400.00 at P500 na buy-bust money.

Samantala, inaresto ng DEU ng pulisya sa Alley 12, Brgy Sta. Ana sa Pateros si Christian Jay Villagomez, 23, na napag-alamang nasa Unified Drugs Watchlist.

Nakumpiska kay Villagomez ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang gramo na amy halagang P6,800, isang aluminum pipe, isang plastic cartridge na naglalaman ng hinihinalang iligal na droga at P300 na buy-bust money.

Nakulong ngayon ang mga suspek sa custodial facility sa Taguig at Peteros at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Jonatha Hicap