Sa ulat ng Billboard News ngayong Miyerkules, Dis. 8, opisyal na nasungkit ng Pinoy Pop (P-pop) band SB19 ang trono sa Billboard Hot Trending Songs Chart matapos ang pamamayagpag ng BTS sa loob ng dalawang ilang linggo.

Mainit na pinag-uusapan sa Twitter ang kantang “Bazinga” ng SB19 matapos bumulusok ito sa leaderboard mula Top 8 sa Hot Trending Songs Chart noong nakaraang linggo.

Naagaw ng SB19 ang trono mula sa Korean pop (K-pop) powerhouse BTS sa global hit nitong “Butter” na kasalukuyang nasa ikalawang spot at ang dating nanguna rin sa parehong chart, ang kantang “Permission to Dance" sa ikatlong puwesto.

Kabilang din sa Top 10 chart ang kantang “Christmas EveL” ng Stray Kids, “Fly Away” ni Dimash Kudaibergen, “Spaceman” ni Mew Suppasit, “Gifted” nni BE:FIRST, “Peaches” ni Kai, “Dynamite” ng BTS at “Winter Falls” ng Stray Kids.

Kahayupan (Pets)

Chimpanzee, 7 buwan kinarga naaagnas na labi ng namatay na anak bago binitiwan

SB19 'Bazinga' Official Music Video

Ang Billboard Hot Trending Songs Chart ay nagbibigay ng real time na data sa mga pinakapinag-uusapang kanta sa social media platform na Twitter.

Samantala, nasa higit 2.4 million views na ang official music video ng Bazinga sa Youtube mahigit isang buwan matapos ito i-release sa publiko noong Oktubre.