Inatasan ni Gen. Dionardo Carlos, hepe ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules, Dis. 8 ang masusing imbestigasyon sa aksidenteng pagpapaputok sa loob ng isang police training school na nagresulta sa pagkasugat ng isang baguhang pulis.

Batay sa inisyal na ulat ng Police Regional Training Center, ang instructor na kinilang si Police Corporal Benie Dupayat at ang kanyang trainee na si Patrolman John Conrad Villanueva ay nasa kalagitnaan ng firearms familiarization session nang mag-malfunction ang baril at nag-discharge ito ng isang round.

Kabilang sa firearms familiarization session ang paggamit sa caliber.45 pistol.

Tinamaan si Dupayat sa kanyang kamay habang ang naiputok na bala ay tumama sa hita ni Patrolman Villanueva. Ginagamot sa PNP Regional Hospital ang dalawang sugatang tauhan.

National

4.8-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Sinabi ni Carlos na kailangan ng rebyu ng patakaran sa pagsasanay sa armas upang maiwasan ang mga katulad na insidente sa mga police training course na may kinalaman sa mga live fire exercise.

“If accidents like this can happen in training even under controlled conditions, it is likely to happen anytime during the course of normal police functions involving firearms and live ammunition,” sabi ni Carlos.

Si Carlos na mismong isang kuwalipikadong tagapagturo at espesyalista sa armas ay nagpaalala na “the firearm is standard police equipment that must be handled only by properly trained personnel with updated training certification on firearms proficiency and safety”.

“We will determine the veracity of the claim that this was purely accidental, at the same time, we remind our instructors to ensure safety at all times. Safety is paramount in weapons training and every instructor must not fall behind this primary consideration,” sabi ng hepe.

Aaron Recuenco