Bumisita si Senatorial aspirant at human rights lawyer na si Jose Manuel “Chel” Diokno nitong Martes, Dis. 7 sa komunidad ng mga Aeta sa Pampanga at ipinarating ang kanyang pag-asa na katawanin ang kanilang pangangailangan at mapabuti ang kanilang kalagayan kung siya ay makapasok sa Magic 12 ng Senado sa 2022 elections.

Sinabi ng dating dekano ng De La Salle University College of Law na bumisita siya sa Villamaria, Porac, Pampanga upang magbigay ng panahon sa pamayanan ng Aeta doon at makipagdayalogo sa kanila.

“Sa aking ilang dekadang paglilingkod bilang abogado ng mga dehado, ramdam ko ang kanilang mga hinaing,” sabi ni Diokno sa isang Facebook post.

“Ikinalungkot niya na marami sa kanilang mga pangangailangan tulad ng water system at farms-to-market roads at hindi natutugunan nang maayos,” dagdag ni Diokno.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa post, isinama ng abogado ang mga selfie na kinuha kasama ang ilang batang Aeta, gayundin ang mga snapshot niya na nagsasagawa ng konsultasyon sa kanila.

Ang human rights lawyer ay miyembro ng Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino, ngunit tumatakbo sa ilalim ng tiket ni Vice President Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan.

Siya ang nagtatag ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na nagbibigay ng libreng legal na tulong sa mga nangangailangan.

Una siyang tumakbo sa 2019 midterm polls sa ilalim ng Otso Diretso ng Liberal Party ngunit nabigo siyang makapasok sa Magic 12 at pumuwesto lang sa ika-21 na bilang sa pinakamaraming boto.

Si Diokno ay sikat sa mga kabataan bilang si “Woke Lolo.”

Raymund Antonio