Tanging Pilipinas na lang sa mga bansa sa Asya ang hindi pa nakabubuo ng sarili nitong bakuna para sa mamamayan.

Ito ay ayon sa balik-scientist ng Department of Science and Technology (DOST) na si Dr. Annabelle Villabos kasabay ng kanilang webinar tungkol sa health research and development ng COVID-19.

“That is something we need to work on in preparation for another pandemic, or for the time that we really have to supply people with vaccines,” aniya.

Kung hindi pa umano handa ang bansa na makapag-manufacture ng sariling bakuna, kahit man lamang sa simpleng proseso ng pagbuo o packaging ng mga ito.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Maaari rin umanong iangkat muna mula sa ibang bansa ang active product ingredients ng bubuuing bakuna kung ito para sa COVID-19.