Gumagawa na ngayon ng hakbang ang pamahalaan upang matiyak na matagal pa ang expiration date ng mga donasyong bakuna sa bansa.

Nilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring acting Presidential spokesperson, nagtakda na sila ng panuntunan para sa pagtanggap ng mga donasyong COVID-19 vaccine upang hindi rin masayang ang mga ito.

Nakikipag-usap na aniya ang pamahalaan sa mga tagagawa ng bakuna kaugnay ng usapin.

“Isa pang sinabi niSec. Charlie,iyong pakikipag-ugnayan din sa mgadonationsna dapat maglagay din po tayo, pag dino-donatesa atin, dapatwe have to emphasizena iyong idu-donatehuwag iyongnear expiry.Bagama’t nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga nagdu-donate ‘no, but the reality on the ground also is we also do not want to havemasyadong sobrang dami ngsupplyna palapit na iyongexpiration.Iyongpressuremapupunta sa atin," sabi ni Nograles.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Idinagdag pa nito na maaaring palawiginang buhay ng pagkakaimbakng bakuna, gayunman, hindi lahat ng brand ay puwedeng gawin ito.