Posible pa rin umanong mahawaan ng Omicron variant ang mga tinamaan at nakaligtas na sa bagsik ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. 

Ito ang pahayag ni molecular biologist Nicanor Robles Austriaco, Jr., ng University of Sto. Tomas (UST) sa isang television interview nitong Linggo, Disyembre 5.

Kahit aniya nagkaroon na ng natural immunity sa virus ang mga dating nahawaan ng sakit, maaari umanong hindi na makilala ng immune system ng katawan ang nabanggit na variant dahil iba na ang spike protein nito kumpara sa Delta at iba pang variant ng COVID-19.

Ibinatay ito ni Austriaco sa naging karanasan ng South Africa sa naturang sakit.

National

Apollo Quiboloy, naghain ng COC sa pagkasenador: ‘Dahil sa Diyos at Pilipinas’

“It’s not that it will be worse. It’s just that the antibodies are against the spike protein. And if the spike protein is different, then the antibodies don’t recognize the new Omicron spike proteins.So, you are protected against Alpha, Beta, Gamma, Delta, but when you get attacked by Omicron, the immune system cannot see Omicron. It’s like blind eh, because it’s like it’s changed its color,” paglilinaw nito.

Pinag-aaralan pa aniya ang posibilidadna hindi epektibo ang mga naunangbakuna kontra sa Omicron.

Hinihintay din aniya ng mga eksperto ang resulta ng pagsusuri sapinagsamang dugo ng bakunadong indibidwal at Omicron.

Aniya, madedetermina sa pagsusuri kung kayang patayin ng antibody ang nasabing variant

Paniwalanito, maliit ang posibilidad na magkaroon ulit ng pagtaas sa kaso ng nahahawaan kahit pa makapasok sa bansa ang Omicron dahil mataas ang vaccination rate ng gobyerno sa Metro Manila.