BAGUIO CITY – Naaalarma ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa biglaang pagtaas ng kaso ng the Violence Against Women (VAW) sa nakalipas na 10 buwan ng taon, kumpara sa nakaraang taon.

Ang pagkabahala ay iniulat ni Assistant City Social Welfare and Development Officer Lisa Bulayongan, na ang siyudad ay nakapagtala ng 66 kaso ng VAW mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

Ayon kay Bulayongan, noong 2019 ay naitala ang 47 VAW cases,samantalang noong 2020 habang kasagsagan ng COVID ay tumaas ito sa 59.

Aniya, ang biglang pagtaas ng kaso ay isang hamon sa pagsusulong ng18-day Campaign to End Violence Against Women celebration na dapat umanong pagtutuunan ng pansin ng city government, non-government organizations, sectoral groups, private at civil society organizations, na maging aktibo sa partisipasyon para mawala o maputol na ang pag-aabuso sa kababaihan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Zaldy Comanda