Natanong ang anak ni Cherry Pie Picache na si Antonio 'Nio' Tria kung ano ang masasabi nito sa relasyon ng ina sa beteranong aktor na si Edu Manzano, sa isinagawang panayam sa cast members ng 'Saying Goodbye' sa Kapamilya Chat ng ABS-CBN Entertainment sa YouTube na umere nitong Disyembre 3.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/28/cherry-pie-at-edu-ibinahagi-ang-sweet-moments-habang-nasa-florida/">https://balita.net.ph/2021/11/28/cherry-pie-at-edu-ibinahagi-ang-sweet-moments-habang-nasa-florida/

Sasabak na rin sa pag-arte ang bagets, kasama ang mga bida nito na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes, na ipalalabas naman sa iQiyi.

Pambubuking niya, hindi naman umano siya nasorpresa dahil alam naman niyang nanliligaw umano si 'Tito Edu' sa kaniyang ina.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

“Noong nalaman ko na nabalita na, ‘Ah, ok, good, nabalita na. Sana ok yung reaction ng mga tao or yung mga Kapamilya.’”

Suportado ba niya ang ina sa pakikipagrelasyon kay Edu?

“Oo, approve ako. Siyempre sinu-support ko yung mom ko. Kasi siyempre malaki na siya, eh. Alam na niya ang mga ginagawa niya."

Hirit pa nito, "Matanda na siya, alam na niya 'yun. Ako naman, siyempre Mama’s boy ako, siyempre she deserves her own happiness din, 'di ba?

“I mean, yung pagkakaroon ng relationship with someone else doesn't remove the fact that she is still my mom, 'di ba?

“Siyempre, woman pa rin siya. She deserves love."

“I just want my mom to be happy kaya support ako sa kanya, support ako sa kanila.”

Si Nio ay anak ni Cherry Pie sa former partner na si Gary Tria. Ngayon na lamang nababantad sa showbiz limelight si Nio dahil nga sa pagnanais niyang subukin na rin ang pag-arte.

Matatandaang naging viral pa ang mga Instagram post ni Cherry Pie nitong Enero 2021 nang ipakita niya sa publiko ang anak habang sila ay nasa bakasyon. Napagkamalan pang jowa ng mga netizen ang kaniyang anak, at sinabihan pa si Cherry Pie na cougar ito.

Nio Tria at Cherry Pie Picache (Screengrab mula sa IG/Cherry Pie Picache)

Nobyembre 19 nang kumpirmahin ni Edu ang relasyon nila ni Cherry Pie, na nabuo daw sa kanilang lock-in taping ng seryeng 'Marry Me Marry You' sa ABS-CBN.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/19/confirmed-cherry-pie-picache-at-edu-manzano-magdyowa-na/">https://balita.net.ph/2021/11/19/confirmed-cherry-pie-picache-at-edu-manzano-magdyowa-na/

Ang anak naman ni Edu na si Luis Manzano, bagama't nagulat, aprub naman sa kanilang relasyon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/02/edu-at-cherry-pie-pantapat-daw-sa-kathniel-biro-ni-luis-manzano/">https://balita.net.ph/2021/12/02/edu-at-cherry-pie-pantapat-daw-sa-kathniel-biro-ni-luis-manzano/

Biro pa nga nito, ipantatapat daw sa KathNiel ang love team nila.