Sa botong 227, pinagtibay ng Kamara sa pangatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nagpapahintulot sa mga babae na panatilihin ang kanilang pangalan at apelyido matapos na ikasal.

Sa pamamagitan ng House Bill 10459, pinapayagan ang babae na hindi gamitin ang apelyido ng kanyang asawa at sa halip ay panatilihin ang kanyang maiden surname o apelyido matapos ikasal.

Aamyendahan ng HB 10459 ang Article 370 ng Republic Act 386 o ng New Civil Code of the Philippines.

Sa panukala na inakda ng siyam na kongresista sa pangunguna nina Deputy Speaker Rufus Rodriguez at Revision of laws committee chairperson Cheryl Deloso-Montalla, bibigyan ng kalayaan ang may-asawang babae na panatilihin ang kanyang maiden surname. 

National

Alice Guo, 'walang karapatang' tumakbo sa 2025 elections – Remulla

"It upholds the right of married women to retain their maiden surnames even after marriage and provides married women options in the surname that they may use after marriage,"

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng opsiyon ang babae na gamitin ang sumusunod matapos makasal: "maiden first name and surname, maiden first name and surname and add her husband’s surname, maiden first name and her husband’s surname, or husband’s full name, but prefixing a word indicating that she is his wife, such as 'Mrs.'” 

Bert de Guzman