Mukhang suportado ni Annabelle Rama ang kandidatura sa pagka-senador ng dating Quezon City Mayor na si Herbert 'Bistek' Bautista para sa halalan 2022.

Ngunit tanong ng mga netizen, paano naman kung sakaling magkaroon ng relasyon sina Herbert at anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez? Suportado ba ni Annabelle?

Kamakailan kasi ay na-curious ang mga netizen sa ginawang paninita ni Ruffa sa publicist umano ng Twitter account ni Bistek, dahil sa ginawa nitong pag-tweet hinggil sa 'the one who got away'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/22/admin-ng-twitter-account-ni-bistek-tinalakan-ni-ruffa-g-mga-netizen-nag-react/

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Nag-react naman ang fiance ni Kris Aquino na si dating DILG Secretary Mel Sarmiento dito at sinabon si Bistek, na sinegundahan naman ni Kris.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/">https://balita.net.ph/2021/11/20/kris-bumwelta-kay-herbert-please-talk-about-your-present-not-your-past/

Maagap namang humingi ng dispensa si Bistek kay Kris.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/20/herbert-humingi-ng-paumanhin-kay-kris-it-was-certainly-inappropriate-and-a-mistake/">https://balita.net.ph/2021/11/20/herbert-humingi-ng-paumanhin-kay-kris-it-was-certainly-inappropriate-and-a-mistake/

Anyway, sabi ni Bistek sa media conference na isinagawa para sa kaniya, ang tanungin daw kung pabor ba sa kaniya para kay Ruffa ay si 'Bisaya' nga, o si Annabelle Rama.

Nang tanungin ni Jun Lalin na publicist ng mga Gutierrez si Annabelle, sinabi nito na magandang impluwensya naman ang dulot ni HB para kay Ruffa.

“Magandang influence si Herbert kay Ruffa. Si Herbert ang nagsabi kay Ruffa na dapat tapusin niya ang college, kaya nag-enroll si Ruffa. Nag-aaral siya online at next year, matatapos na", pagbibida ni Annabelle.

"Saka ang sipag ni Ruffa sa pag-aaral. Pati sa paggawa ng mga homeworks. Tinutulungan siya ni Herbert pati sa pagre-review."

“Alam ko kapag nagpupunta si Herbert kay Ruffa, may dala pang mga libro. Tinutulungan talaga niyang mag-aral si Ruffa. Sino ba ang hindi matutuwa? Kaya nga kami, nagsu-support talaga sa kandidatura ni Herbert sa pagka-senador!” sey pa ni Annabelle.

Bagama't ganito ang litanya ni Bisaya, wala namang kumpirmasyon mula sa kaniya na may espesyal na romantic relationship sina Bistek at Ruffa, ayon kay Jun Lalin.

Nagkasama sina Herbert at Ruffa sa 'The House Arrest of Us' ng KathNiel. Sa panayam ng press kay Ruffa noon, 'naloloka' raw siya kung bakit siya inili-link kay Bistek. Ikinokonsidera umano niya si Bistek bilang 'mentor', bagay na pinatotohanan na nga ni Annabelle.

"Bakit ba kami natsitsismis? Nakakaloka!” bulalas ni Ruffa, batay sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP sa actress-beauty queen.

“Kasi syempre, parang… andaming nagme-message sa akin na mga fans, naku-cute-an sila sa amin. Kasi, parang… ‘Ay, ang cute! Pwede pala! Height doesn't matter!’ Kaya tuloy iyong mga may crush sa akin, ‘tapos medyo maliit sa akin, biglang nagkaroon ng pag-asa. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” biro pa ni Ruffa.