Binuksan na ng Quezon City local government ang kanilang online booking para sa mga nagnanais na magpa-booster shots.

Paglilinaw ng pamahalaang lungsod nitong Biyernes, ito ay para lamang sa mga essential workers (A4) at indigent population (A5).

Maaari lamang magparehistro ang mga bakunado sa pamamagitan ngQC Vax Easy Plus (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy) upang mapili ang nais na vaccination schedule at lugar nito.

Paliwanag ng pamahalaang lungsod, ibibigay lamang ang booster shots sa mga residenteng nabakunahan na anim na buwan na ang nakararaan.

Eleksyon

Kiko Pangilinan, itinangging sasama sa senatorial slate ni PBBM

Gayunman, nilinaw ng city government na bawal pa rin ang mga walk-ins.

Pinaalalahanan ang mga nagnanais na magpa-booster shot na dalhin lamang ang kanilang valid ID at#QCProtektado vaccination card.

Isasagawa ang pagtuturok sa Esteban Abada Elementary School sa District 1 at Pasong Tamo Elementary School sa District 6 simula Sabado, Disyembre 4.

CherrylinCaacbay