Wala pang naitatalang kaso ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Ito ang tiniyak ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Disyembre 1.

Gayunman, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na pinoproseso pa nila ang mga positive samples para sa genome sequencing test.

“Just to be clear, no detection yet of Omicron. We are still processing (the) next batch of whole genome sequences,” pagbibigay-diin ni Vergeire.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Inilabas ng opisyal ang pahayag matapos maitala ng DOH ang 500 na kaso ng COVID-19 nitong Disyembre 1 na senyales umano na malapit nang malipol ang sakit.

Analou de Vera