Posibleng pumasok sa bansa ngayong araw, Disyembre 1, ang isa pang bagyo may international name na "Nyatoh."

Sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), binabantayan pa rin nila ang nasabing sama ng panahon sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) na tatawaging 'Odette' kung tuluyan na itong pumasok sa Pilipinas.

Paliwanag ni weather specialist Aldczar Aurelio, ng PAGASA, huling namataan ang bagyong "Nyatoh" sa layong 1,330 kilometers east ng southern Luzon nitong Miyerkules ng madaling araw.

Taglay nito ang hanging 85 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at bugsong hanggang 105 kph habang kumikilos pa-kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Sa pagtaya ni Aurelio, walang direktang epekto sa bansa ng nabanggit na bagyo sa susunod na mga araw.

Ellalyn De Vera-Ruiz