Nasa 375,000 bags ang ipamamahagi sa mga pamilya sa Pasig City bilang parte ng "Pamaskong Handog" 2021 na nagsimula noong Lunes, Nobyembre 29.

Ang Pamaskong Handog sa Pasig City ang taunang holiday ayuda distribution. Ngayong taon, ang gift bags ay naglalaman ng spaghetti noodles, pasta sauce, luncheon meat, mixed fruit cocktail, sweetened creamer, chocolate drink mix, corned tuna, elbow macaroni pasta, at mayonnaise pouch set.

Nagkaroon ng karagdagang 15,000 gift bags ngayon taon kumpara sa 360,000 bags noong nakaraang taon.

Ang kada bag ay nagkakahalaga ng P625.67 para sa kabuuang P234,625,000. Noong 2020, ang kada bag ay nagkakahalagang P565.90 at may total na P203,724,000.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Patotoo ang Pamaskong Handog na posible ang paggogobyerno na pantay-pantay ang tingin sa bawat isa, kakampi man o hindi," ani Mayor Sotto sa kayang Facebook post.

Seth Cabanban