Trending ngayon sa Tiktok ang bagong kasal na si Rosmar Tan matapos itong niregaluhan ng 1M cash ng kanyang mga magulang.

Ibinahagi ni Rosmar ang video sa kanyang Tiktok account kung saan makikitang isinasabit ng kanyang magulang ang 1M cash habang ginagawa nila ang prosperity dance.

Ang video ay may caption na "PAPA AT MAMA SUPER THANKYOU sa effort at sa 1M." At agad naman itong nag viral at umani na ng 2.0 Million likes, 21.1k shares at 2.8 Million views.

Umani rin ito ng mga positibong komento gaya ng:

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Mapapasanaol ka nalang tlaga."

"Congratulations ate Rosmar at kuya Nathan."

"Ung ang simple nya mag-announce ng wedding at parang joke Lang, pero booooooom Omg bongga."

Si Rosmar Tan ay sikat na social media influencer at ikinasal ito sa isang Tiktoker na si Nathan Harrison nitong nakaraang Nobyembre 25, 2021 sa National Shrine and Parish of San Antonio Padua.

Noong nagbukas ang Commission on Election o Comelec ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay nagpasa siya upang kumandidato bilang konsehal ng ika-4 na Distrito ng Sampaloc, Maynila.

BASAHIN: Buong barangay glow up? YouTuber at councilor aspirant, namigay ng set ng skin care product

Sa hiwalay na TikTok video, ipinakita nito ang pamamahagi niya ng rejuvenating set at eco bag na naglalaman ng mga goods.