Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang 665 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, na pinakamababang naitalang bagong kaso ngayong taon.

Ayon sa DOH, mas mababa ito kumpara sa 838 COVID-19 cases na naitala naman noong Linggo ng hapon.

Batay sa case bulletin #625 ng DOH, nabatid na dahil sa mga naturang bagong kaso ng sakit, umaabot na ngayon sa 2,832,375 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Gayunman, sa naturang kabuuang bilang, 0.6% na lamang o 16,289 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.

Internasyonal

Lalaking nagpunta sa India para sa abo ng pumanaw na misis, kasama sa plane crash; 2 anak, naulila!

Sa mga active cases naman, 48.1% ang mild cases, 23.82% ang moderate cases, 15.6% ang severe cases, 6.6% ang kritikal at 6.0% ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.

Mayroon din namang 993 mga pasyente ang gumaling na sa karamdaman, kaya’t sa kabuuan, nasa 2,767,585 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 97.7% ng total cases.

Mayroon pa rin namang 141 pasyente na namatay dulot ng COVID-19.

Sa kabuuan, nasa 48,501 na ang COVID-19 deaths sa bansa o 1.71% ng total cases.

Mary Ann Santiago