Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na walang special treatment sa dalawang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa inaasahang paglilipat sa mga ito sa Pasay City Jail ngayong hapon Nobyembre 29.

Binanggit ni BJMP Spokesperson Chief Inspector Xavier Solda, ihahalo sina Mohit Dargani at Lincoln Ong sa 1,104 preso sa nasabing piitan kahit ito ay 100 percent congested.

"It does not have a separate facility except the isolation area intended for newly committed PDL which is part of the health and security procedures being observed in jails," paliwanag ni Solda.

"Walang special treatment. Walang preferential attention para sa kanila. Ang policy ng BJMP, pantay-pantay na pagtrato sa lahat ng aming mga PDL (persons deprived of liberty), patas na pagmamalasakit sa lahat," pagdidiin pa nito ni Solda.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Naiulat na pagkatapos ng mandatory quarantine period na 10 hanggang 14 na araw, ang subject individuals ay ilalagay sa isang selda, kasama ang iba pang mga nakakulong.

Nauna nang tiniyak ni Senator Vicente Sotto III na pinirmahan na niya ang isang kautusan na naglilipat kina Dargani at Ong sa kustodiya ng Pasay City jail matapos maaresto ang mga ito dahil sa pagkabigong magharap ng financial documents sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ang Senado ang nag-iimbestiga sa transaksyon ng kumpanya sa pamahalaan kaugnay ng kontrata nitong bilyun-bilyong umano'y overpriced medical COVID-19 supplies.

Bella Gamotea