Sinagot na ni House Deputy Speaker at 1SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta nitong Sabado, Nobyembre 27, ang isyu tungkol sa pagpapalabas ng kaniyang political advertisement sa mga plataporma ng ABS-CBN, gaya ng Kapamilya Channel sa cable at Kapamilya Online Live sa YouTube, gayong itong ang isa sa mga nagsulong na huwag bigyan ng prangkisa ang network, noong 2020.

BASAHIN:

Aniya, ang nagdesisyon daw nito ay ang advertising agency na gumawa ng kaniyang patalastas. Tumatakbo sa pagka-senador si Marcoleta para sa darating na halalan 2022. Simula kasi nang umere ang naturang political ad, hindi na tinantanan ng batikos mula sa mga netizen si Marcoleta.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga aspirants na nag-file ng COC at CONA ngayong Oct. 3

Rodante Marcoleta (Screengrab mula sa YT/Kapamilya Online Live)

Kung ginawa man ito ng Kapamilya Network, ito ay desisyon na umano nila, at isang pagpapakita ng 'openness to reform given its perceived partiality' ng naturang TV station.

Isa sa mga nagbigay ng reaksyon dito ang Kapamilya writer na si Jerry Gracio.

“Akala ko ba may nilabag na batas ang Kapamilya network kaya ipinasara nina Marcoleta? Ba’t may pa-ad siya?" tweet ni Gracio.

Bagama't walang prangkisa, patuloy pa rin sa operasyon ang ABS-CBN sa pamamagitan ng cable channels, digital platforms, at iba pang mga TV networks gaya ng A2Z Channel 11 at TV5, sa pamamagitan ng blocktime agreement.