Visible na muli sa mga shows ng GMA-7 ang naging freelancer na si Kris Bernal. Matatandaang nagtampo ito sa GMA-7 dahil wala siyang offer mula sa istasyon na magrenew ng contract. Kaya naman tumanggap siya ng project sa TV5 with consent naman ng GMA Artist Center.

Pero ngayon sa Kapuso network may project na ito kapalit ni Jackie Rice ang drama legal crime series na “Artikulo 247” na next year ipapalabas.

Bukod doon kasama rin siya sa Christmas Station ID ng GMA-7 na napapanood na ngayon. Hudyat na ba ito na magiging certified Kapuso na muli si Kris Bernal? Samantala sa guesting ni Kris sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS) nasalang siya sa segment nilang “May Pa-Presscon.”

Inamin ni Kris na until now kahit ikinasal na siya hindi pa rin daw sila nakatira sa iisang bahay ng kanyang asawang si Perry Choi. Wala namang ibinigay pang dagdag na detalye ang aktres ukol dito. Mula nang makilala ni Kris ang kanyang husband aniya nabago raw talaga ang buhay niya.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Giit pa niya, “Nang dumating siya sa life ko naramdaman ko talaga, ay ang sarap magpahinga. Ang sarap magkaroon ng ibang world.”|

Hindi naman maikakaila na identified si Kris kay Aljur Abrenica dahil dati niya itong ka-loveteam kaya naman nagbigay siya ng pahayag sa hiwalayan nila Kylie at Aljur.

Sabi niya, “Oh my gosh! Siguro kasi noong sila pa ni Kylie siyempre loveteam pa rin kami ni Aljur. Nakita ko talaga kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Pero actually siyempre may mga bagay naman na hindi natin alam na hindi nila sinasabi or hindi nila… alam mo yun na they want to keep it for themselves so siyempre ako respeto ko rin sa kanila.”

Mensahe naman ni Kris sa dating ka-loveteam ay God’s guidance kung saan siya dapat at kung ano ang para sa kanya.

Pambubuking ni Kris sa segment na “Sasagutin o Kakainin,” sa tagal daw nila noon naging magkasama sa showbiz ni Aljur mapataping man yan o maparaket kita raw niya lahat o alam daw niya ang nangyayari lahat lahat tungkol sa aktor.

Humingi man ng sorry pero sinabi pa rin ni Kris na friendly daw talaga noon si Aljur sa mga girls pero hindi raw niya alam kung until now sabay sabing charot dahil nga bata pa raw sila noon.

Noong panahon ng Starstruck nilevel ni Kris si Aljur sa pangatlo na hindi masyadong magaling umarte. Inuna niya si Paolo Avelino at pumangalawa si Martin Escudero. Infainess ngayon nag-improve na raw si Aljur sa pag-arte. Ika pa ni Kris. Yun na!