Matapos ang Talent Show category ng Miss World competition nitong Nob. 27, bigong mapabilang sa Top 27 ang kandidata ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez.

Ang nasabing category ay pumili ng 27 kandidata na nagpamalas ng kahanga-hangang talento kung saan isa sa kanila ay agad na makaka-advance sa semifinals ng kompetisyon.

Ayon sa ulat ng Missosology, kabilang sa mga nakapasok sa banga ang mga kandidata ng Northern Ireland, Vietnam, South Africa, Indonesia, United States, Gibraltar, Albania, Mongolia, Ireland, Bulgaria, Jamaica, Ecuador, Scotland, Singapore, Cote D’Ivoire, Norway, England, Slovenia, Kenya, Botswana, Chile, Japan, Korea, Uruguay,India, Tunisia at Mauritius.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Larawan mula sa Missosology

Sa Disyembre 16, gaganapin ang Miss World finale sa bansang Puerto Rico.

Si Megan Young ang kauna-unahang Pilipina na nakapag-uwi ng Miss World crown sa Pilipinas noong 2013.