Ilang mga customer ng Manila Water sa bahagi ng Baras, Morong, at Jalajala sa probinsya ng Rizal ay mawawalan ng tubig sa loob ng walong oras simula sa Lunes, Nobyembre 29, dahil sa maintenance activity sa Morong Pumping Station.

Inanunsyo ng Manila Water sa kanilang Facebook page na magsisimula mawalan ng tubig sa Lunes, Nob. 29 dakong alas-10 ng gabi hanggang 6:00 ng gabi ng Martes, Nob. 30.

Ilan sa apektadong lugar sa Jalajala ay ang Barangay Special District, 2nd District, 3rd District, Sipsipin, Paalaman, Bayugo, Punta, Palaypalay, Pagkalinawan, Bayumbong, Bayugo, at Lubo.

Sa Baras naman, Barangay Evangelista, Mabini, Conception, San Miguel, San Juan, San Jose, Rizal, Santiago, at San Salvador.

Eleksyon

Vic Rodriguez, pamumunuan ang 'tunay na oposisyon' sa senado

Maapektuhan din ang ilang bahagi ng Barangay San Pedro sa Morong.

Inabisuhan ng Manila Water ang mga maaapektuhan na customers na mag-ipon ng sapat na tubig upang mayroon silang magamit.