Totoo nga kayang bago pa magkasama sa loob ng Bahay ng Kuya, duma-da moves na kay Chienna Filomeno ang kapwa housemate at latest evictee ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 na si Kyle Echarri?

Ibinuking mismo ni Chie, na pangatlong napalabas sa Bahay ni Kuya, sa panayam sa kaniya ng PBB host na si Bianca Gonzalez para sa Cinema News nitong Nobyembre 26, 2021 na bago pa man sila pumasok sa PBB house ay pinadadalhan na siya ni Kyle ng PM o private message sa social media.

Kaya lang, mukhang dedma rito si Chie, dahil hindi naman talaga sila close ni Kyle, bagama't nagkukrus ang mga landas nila sa ABS-CBN building, at binabati siya nito kapag may guesting siya sa ASAP Natin 'To.

Isa pa, may katambal nga si Kyle at ito ay si Francine Diaz.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nang tanungin ni Bianca si Chie kung ano ang tingin niya kay Kyle noon, tahasan niyang sinabi na mukhang 'presko' ito o ma-ere.

"Ma-ere. Kasi tinatawag niya akong snobby sa loob ng bahay ni Kuya. Kasi may mga messages siya na hindi ko talaga pinapansin din."

“Kasi ako yung tipong, siyempre, hindi pa tayo nagmi-meet. So, hindi ko talaga rereplayan, or magre-reply ako a few days after," paliwanag ni Chie.

Kaya nang magkakilala at magkasama na sila sa loob ng Bahay ni Kuya, silang dalawa ang talagang nag-click, na hindi rin akalain ni Chie, dahil nayayabangan nga siya kay Kyle.

Image
Kyle Echarri at Chie Filomeno (Screengrab mula sa Twitter)

Image
Kyle Echarri at Chie Filomeno (Screengrab mula sa Twitter)

Kyle Echarri at Chie Filomeno (Screengrab mula sa Twitter)

Nawala naman ang kaniyang unang impresyon dito nang makilala na nga niya.

“Kaya 'yun din siguro yung minsan na kapag hindi siguro naging close sa labas, or pag mae-encounter mo siya, hi-hello lang, ganoon.”

Tanong ngayon ng mga netizen, posible kayang mabigyan ng proyekto ang dalawa? Paano na raw ang tambalang KyCine na marami na rin naman ang hatak na mga tagahanga?