Dumating na sa bansa nitong Nobyembre 27, ang karagdagang 1,746,160 doses ng AstraZeneca vaccine na bahagi ng donasyon ng United Kingdom (UK) sa Pilipinas.

Ito ang kumumpletosa pangako ng UK na 5,225,200 doses ng bakuna para sa bansa.

Ang naturang bakuna ay inilapag ng Emirates Airlines flight UK 332 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 dakong 4:00 ng hapon.

“I’m delighted that we’re able to supply 5.2 million more AstraZeneca vaccines from UK this week. This is a powerful illustration of our commitment to deliver 100 million doses worldwide by next year,” pagdidiin ni British Embassy deputy head of mission Alashair Walton Totty.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Naihabolpa ng UK ang bakunang donasyon nito sa Pilipinas para sa isasagawang "National Vaccination Days" ng gobyerno simaulaNobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

Tiniyak naman ni Dr. Maria Paz Corrales, medical consultant ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, ggamitin ang nabanggit na bakuna sa tatlong araw na immunization drive ng Pilipinas upang mapataas pa ang bilang mababakunahan sa 16 rehiyon sa labas ng Metro Manila.

Martin Sadongdong