Ang karahasan at kawalan ng akses sa pangangalagang pangkalusugan ay kabilang sa mga suliraning kinakaharap ng kababaihan, ayon sa Center of Women’s Resources (CWR).
“Nakita natin na tumataas yung cases ng violence against women, children, and lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT)… Madalas yung underreporting kasi hindi madali ang mag-ulat ng karahasan na nararanasan,” sabi ni CWR Executive Director Cham Perez s aisang virtual forum.
Binigyang-diin ni Perez ang kahalagahan ng pagtiyak na ang mga layunin ng Sustainable Development Goals (SDG) 5 o pagkakapantay-pantay ng kasarian ay nakakamit.
Itinayo ng United Nations nitong 2015, ang SDGs ay isang koleksyon ng 17 magkakaugnay na pandaigdigang layunin na idinisenyo upang maging isang “blueprint na magtataguyod ng mas maayos at mas sustainable na hinaharap para sa lahat.”
Ang isa sa mga target ng SDG5 ay alisin ang lahat ng uri ng karahasan laban sa kababaihan at babae sa mga pampubliko at pribadong lugar, kabilang ang trafficking, sekswal at iba pang uri ng pagsasamantala.
Sa pagbanggit ng datos mula sa Philippine National Police-Women Children Portection Center, sinabi ni Perez na isang babae ang inaabuso sa bawat 34 minuto, habang isang bata ang nakakaranas ng parehong sitwasyon tuwing 24 minuto.
Napansin din ni Perez na ang mataas na kaso ng pang-aabuso ay nakikita sa mga kababaihang may mababang kita at edukasyon sa 20 percent, kumpara sa mga kababaihan na may mataas ang kita at edukasyon sa 8.2 percent.
“Malaking factor yung kahirapan sa karanasan sa iba’t ibang porma ng pang-aabuso,” sabi ni Perez.
"Yung usapin ng impunity sa mga kaso ng abuses against women, children, and LGBT may kinalaman sya sa justice and pagiging maayos ng ating institutions to address yung abuses na nangyayari sa atin,” dagdag niya.
Limitadong akses sa pangangalagang pangkalusugan
Layon ng SDG5 na tiyakin ang universal access sa sexual health at reproductive rights.
“Even before the pandemic marami nang mga kababaihan yung limitado yung access sa sexual and reproductive services, therefore nasasagasaan yun rights nila kaugnay nito,” sabi ni Peres.
Ayon sa ulat noong 2019 ng Philippine Statistical Yearbook, 2,600 kababaihang Pilipino ang namamatay bawat taon dahil sa mga komplikasyon o panganganak.
“Hirap yung mga kababaihan na i-address yung complications na ito dahil yung mga low income women, they find it difficult to access healthcare na highly privatized,” sabi ni Perez.
“Mas limitado [pa] ito ngayong pandemya dahil malaking bahagi yung budget and resources for health ay natuon doon sa pag-respond sa COVID kaya yung ibang services for women, including yung sexual and reproductive health services ay naiwan,” dagdag niya.
Naipatutupad ba ang mga batas na layong protektahan ang mga kababaihan?
Sinabi ni Perez na mayroon nang mahigit 37 batas, executive orders at administrative orders na naglalayong protektahan, itaguyod at tuparin ang mga karapatan ng kababaihan at ang kababaihan mismo.
Gayunpaman, hinimok niya ang pangangailangang maamyendahan ang pagpapatupad nito.
“Marami-rami nang batas na naipasa, pero ang gusto nating tingnan ay kung paano ito ini-implement,” ani Perez.
Samantala, para kay GABRIELA Chairperson Gert Libang, ang pagpasa ng maraming batas at resolusyon para sa kababaihan ay “hindi kinakailangang isalin sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at women empowerment,” lalo na kapag ang pagpapatupad ay “hindi tugma at mahina.”
“Kahit na yung mga batas na yan ay dagdagan mo nang dagdagan ay hindi ibig sabihin ay ma-attain yung SDG5. Yung implementation ang malaking problema,” sabi ni Libang.
“Even our 1986 Constitution says that the state recognizes the role of women in nation-building, that’s women’s participation and shall ensure the fundamental equality before the law of women and men. The lack of implementation is really our problem,” pagpupunto nito.
Gabriela Baron