Naghahanda na ngayon ang national cold-chain at logistics partner ng gobyerno para sa nakatakdang tatlong araw na nationwide vaccination program na naglalayong magbakuna ng milyun-milyong Pilipino upang maprotektahan laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Tinawag na “Bayanihan Bakunahan,” ang programa ay nakatakdang umarangkada mula Nob. 29 hanggang Dis. 1.

Tiniyak ng PharmaServ Express na ang pasilidad ng cold-chaon ay may sapat na kakayahan na mag-package at ipamahagi ang iba’t ibang brand ng COVID-19 vaccines na nangangailangan ng iba’t ibang temperature sa partikular na oras.

Isinaad nito na gumagamit sila n biothermal case system sa pag-iimpake ng ma bakuna para sa ligtas na paghahatid sa iba’t ibang local government unites (LGUs).

National

Maza sa maritime drill ng PH, US, Japan sa WPS: ‘Mas lalo tayong nalalagay sa alanganin!’

“We also have more than sufficient manpower and ground assets to transport the vaccines throughout the Philippines via land, sea and air,” sabi ng PharmaServ Express sa isang pahayag.

Nuong 2019, tumulong ang PharmaServ Express sa kampanya ng Department of Health (DOH) at UNICEF na pigilan ang paglaganap ng tigdas at polio.

Ang three-day vaccinaton program ay naglalayong magbakuna ng nasa 15 milyong indibidwal sa 16 na rehiyon sa labas ng Metro Manila upang mapalakas ang inoculation rate ng bansa.

Ito ay makatutulong sa pamahalaan na makamit ang layunin nitong magbakuna ng hindi bababa sa 54 milyong Pilipino bago matapos ang taon. Sa ngayon, 34,199,500 indibidwal na ang ganap na nabakunahan laban sa virus.

Ang bansa ay may sapat na suplay para sa tatlong araw na pagbabakuna dahil nakatanggap ito ng 135,161,900 doses ng COVID-19 vaccines.

Ariel Fernandez