Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao Occidental nitong Sabado ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang pagyanig ay tumama sa karagatan ng nasabing lalawigan, dakong 2:01 ng hapon.
Naramdaman ang mahinang lindol sa layong 146 kilometro ng timog silangan ng Baut, Sarangani.
Lumikha ang lindol ng 46 kilometrong lalim.
Apektado rin ng pagyanig ang General Santos City at Koronadal City.
Sinabi pa ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na walang inaasahang aftershocks.
Ellalyn De Vera-Ruiz